[LP] Kalayaan (Freedom)

[LP] Kalayaan (Freedom)

[LP] Kalayaan (Freedom)

[LP] Kalayaan (Freedom)

(This is the second time that I’ve posted this photo on my blog. I feel that the soaring bird best represents this week’s theme, Freedom.

For me, being a full time mom and homemaker means putting my family’s needs ahead of mine. It entails a lot of sacrifice. And in days when I let my guard down, it is easy to feel ‘trapped’ in the situation. That’s when I crave for me-time, a lot of me-time. It takes a lot of faith and discipline to stay focused on the good side of things, on the net benefit.

In those ‘down’ days, that’s when I wish to be like the bird in photo. Soaring high, with no cares on what’s happening on the ground. Feeling free, not minding what lies ahead. Well, I’m thankful that the ‘down’ days do not last long. I am happy where I am and grateful for the freedom that I have to live, love life.)

Pangalawang pagkakataon ko nang magamit ang litratong ito. Pakiramdam ko na mas bagay ito para sa tema ngayong linggong ito, kalayaan.

Para sa akin, ang maging pangunahing tagapag-alaga ng aking pamilya ay nangangahulugang uunahin ko ang kanilang pangangailangan bago ang sa akin. At sa mga pagkakataon na pinanghihinaan ako ng loob, doon ako naghahanap ng oras para sa sarili ko. Kailangan ng matinding tiwala sa Diyos at disiplina para maalala sa tuwina ang mga magagandang bagay na dala ng napili kong desisyon.

Doon sa mga malungkot na araw na iyon, doon ko hinahangad na maging katulad ng ibon na nasa larawan. Malaya at mataas ang paglipad. Ganun pa man, malaki ang aking pasasalamat na hindi nagtatagal ang mga malungkot na araw. Masaya ako sa aking kinalalagyan at malaki ang pasasalamat sa kalayaan upang mabuhay at mahalin ang buhay na mayroon ako.

[LP] Kalayaan (Freedom)  [LP] Kalayaan (Freedom)

9 Comments

  1. ang ganda ng pagkakuha mo! minsan talaga parang ang sarap mag-out of body para lang maseparate mo ang reality sa nais mo talagang maging o mangyari. alas, hindi pwede. kaya preho tayo, may “me” time din ako na akin lang talaga 🙂

    ate sienna’s last blog post..Litratong Pinoy #11 – Kalayaan

  2. Napakasarap lumipad! Sa bigat ng mga suliranin sa araw-araw, hindi masama kung paminsan-minsan naman ay pasasayahin natin ang ating mga sarili. Ito ay isang uri din ng kalayaan.

    Happy weekend, Tin! 🙂

    Dr Emer’s last blog post..Allergies = Profits?

  3. hindi talaga biro ang sitwasyon natin. nung mga unang buwan, hindi ko rin maalis sa isip ko na parang nagpabilanggo yata ako sa aking bagong responsibilidad, hehe. tulad ng ibon, kahit na lumilipad papalayo at papataas paminsan-minsan, bumabalik pa rin naman sa mahal na pugad. 🙂

    MyMemes: LP Kalayaan
    MyFinds: LP Kalayaan

  4. Noong bata ako pangarap ko ang makalipad, ginagaya ko pa nga si darna lumulon ng bato at sumigaw ng darna…aakyat sa lamesa at susubukang lumipad. hay…ano kaya ang feeling ‘no? Napakaganda ng larawan nakakagaan ng pakiramdam. 🙂

  5. Hello. Maraming salamat sa inyong pagdalaw at pag-iwan ng komento. 🙂

    Hanggang sa susunod na Huwebes! 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *